Jen_by

Tuesday, June 21, 2005

Naisip niyo rin ba..

Napakaroutinary na ang takbo ng buhay nowadays. Paggising magsisimula ng magayos for schol. Then byahe na. Once you reach class, same routine of sitting down, listening or daydreaming, then uwi na. Tapos pag-uwi, tulong sa bahay then gawa homeworks, then tulog na.

First time sa life ko to do an assignment sa accounting na umabot ng 20 columnar pages. Ang sakit sa utak at puwet sa kakaupo at solve.

I need deviation from this routine. Nagmamall nga ako pero parang ganon din. Sa bagay, wala naman akong ginagawa sa mall e. Walang pera dahil until now, there's still lots of org expenses and school materials needed. I miss eating well, as in eating proper food na hindi preservatives or fastfood sa labas, kaya nga mas gusto ko na lang kumain sa bahay kasi masarap na masustansya pa. Kasi when i eat out, I can't afford the "tunay" na food puro fastfoods ang bagsak namin. Ang mahal maging student.

Isa pa, umakyat na ang pamasahe. 12.50 pesos na ang Pantranco na dating 9.50. Tatlong sakay pa ako kaya naku, isa nanamang pasakit.

Wala akong zest sa life. I just want to stare and i hate raining kasi ang kadiri ng floor at mababasa ka pa. Ang hirap magcommute!!!! parati kong iniimagine pag nasa circle na yung sinasakyan kong jeep na sana isa ako sa may mga car na nagdridrive dito.. Ano kaya ang feeling? Napagusapan nga namin ng barkada kong mga wala ding car na ang sarap siguro kung di ka nagcocomute kasi pagdating mo sa school eh fresh ka pa. Hindi katulad pagcommute ka eh nako kahit bagong paligo ko, wala na. Lalo na kung nagssmoke yung driver at may electric fan pa siya at nasa likod ka niya kaya yung usok ay straight sayo. Kalaban mo rin ang usual smoke ng cars with matching hangin pa sa labas. Nako pagumulan mas horror! hay. Buhay commute. Kelangan gumising pa ng maaga at malas mo na lang kung ang masakyan mong jeep ay ubod ng bagal ang yung type na stop ng stop para maghintay ng pasahero. Hay.

I'm actually writing here now para may excuse na wag muna mag-aral. Oha, may accounting nanaman kasi. Halos 10 problems nanaman. Kakagawa lang namin ng 19 nung monday and now bago nanaman.

Naprepressure ako sa sarili ko at paligid. Need to go on and strive para maahon ang pamilya someday.Sabi nga ni ate, I seem to grow up fast with mature obligations than the usual. Kahit yung face ko ay mukha pa ring 13 at takot pa rin sobra sa pusa at spiders. Speaking, literal na hinabol ako ng pusa sa BA. Kala ko sa Math building lang ako mahahabol pati pala sa sarili kong college. Ako ay nagsisigaw and thank God Sheryl came to the rescue and distracted the cat. I was able to run away without the cat following me close behind. Naiiyak na nga ako sa takot nun. Hay.

Ang dami talagang problema. i find myself restless at hindi madaling makatulog. I miss Sid, Kate, and mga dati kong nalayong kaibigan. Gusto ko na rin tuloy umails at makipagsapalaran outside the country. Hay, it's hard not to be able to talk to people kasi everybody's busy. Wala akong matext aas in yep. Ako walang matext.

I'm so numb and exhausted this June. Ganito ako lately parang quote na nakuha ko from my friend. Magulo at malalim. I'm so sad and restless for reasons I can't figure out.

"Muli namang umihip ang hangin ng pag-iisa. Liwanag ang dagling sumilaw sa aking mga mata. Linilingon, sinusundan, dumadalas ang minsan... Putulin man ang tali sadyang walang kawala. Sa pagkaakit at di paglapit, nananalangin at umaasa...Nararapat bang pigilan ang damdaming nasa..Hindi madadala."

Tuesday, June 14, 2005

I'm sick these days

After I went to SM north with Mc and Jhena, i took a nap then paggising ko ako ay may sore throat na. Ang sakit ng ulo ko tapos trinangkaso na ako. :( Ganon ang situation ko and now I have a fever na.

Ang lungkot maging sun. Walang load na si Jhen. Si Sid din and he'll go to school na so magiging busy na siya. Si Aisa naman ay may sira ang sun. Hay. It's hard to get sick na ang daming practice.

Forever akong takot sa back roll. Everytime I do it para akong tumatalon ng bridge sa takot. Kaya ko to. July 23 this will be over.

Ang daming requirements at gastos. Pagod na ako.

Friday, June 10, 2005

Pasukan na nga talaga..

Nakakaiyak basahin yung management namin. Ang laki at kapal niya. Okay naman siya ang kalaban mo lang talaga katamaran. Kagabi feeling ko ang dami ko ng nabasa pagkita ko page 21 pa lang ako. Natulog na lang ako.

Ang daming bibilhin. Nakakaiyak ang gastos. Pati calculator bibili ulit kasi may specified na calculator daw dapat sa accounting. Nakakatakot talaga. Parang ginapang ko lang yung 99.1 and 99.2 tapos ngayon hay. Balita less than 50% make the retention grade. Hay. Lord help.

Madugo ang Babasahin sa Law kaya wala akong binasa. Buti na lang nagtext si Prof at sinabing walang class mamayang hapon. Hay.

Buti pa Ateneo at UST. Bakasyon pa rin. Nakakainis kasi takot ako sa ulan kaya hindi ako makatulog mabuti. Nakakapagod pa tuloy matulog kasi pinipilit kong makatulog.

Nawalan si She at Mickey ng phone. Ang dami talagang nagnanakaw ng telepono. Hay.

Wednesday, June 08, 2005

Eto na..

Pasukan na.. Nakita ko yung varsity player sa high school ko na sobra baet na si Ariel. Ako ay nagulat kasi siya ang sumalubong sakin nung papasok ako ng BA. Hindi siya sa ba but he wants to shift. At least may Gracean na ulet na mas bata kaysa sakin.

Wala ng weekend numbers kasi school starts na. Ang dami kong inasikaso. Pumunta akong Sm north as usual, Megamall at banko. Kapagod.

Narealize ko na talagang mag-isa ako. Lahat ng lakad ako lang ang gumawa. Grabe. Namimiss ko yun may magtatanong kung ano na nangyari. I want to be a child again. Yep I look like one. Ewan.

I feel alone lately. Urgh. Boring pumasok. Yung katawan ko pa parang pagod na pagod sa kakarun errands. Ilang beses ba naman akong naggrocery mag-isa! Ang sakit sa paa pumila. Tapos naghintay pa ako ng 1 hour dun sa Mega to wait for my friend's sister. Pero ayos lang, at least natapos ko na lahat ng mga dapat tapusin.

Nagmetrowalk kami nung friday. Last gimik kung baga. Ang boring and puro coffee nanaman ako. I lost 200bucks pa while walking ata. We went to Mocha blends then Coffee Beanery. Nakauwi ako 3am. Then woke up at 6am dahil meh practice at 7am. Ang bangag ko. Oh well.

Ang lungkot ko talaga lately. I'm scared of ulan. no joke. I fear the sound and hindi talaga ako makatulog when it rains. Ginigising ko pa yung little brother(actually hindi siya little kasi ang tangkad niya so younger bro na lang) ko minsan. hay. Ang ulan. Ang hirap pa magcommute. Takot na ren ako magcommute dahil sa mga nakakatakot at bad tripo na ngyayari sakin. Sana hindi na lumapit sakin mga horror na tao. Sabi nga ng mama ko, she'll pray that my guardian angel will always be with me. hay.

Namimiss ko si mia. Gusto ko na ulet magouting at pumunta ng beach.

Wednesday, June 01, 2005

Ayoko na pumasok..

June 1 na. ilang days na lang magsisimula na ang pasukan. Mag-aaral na kami ng madugong ba 114.1 at mawawalan na kami ng communication ni sid. Ang hirap magpasukan talaga.

Until now, hindi pa nakaset ang mind ko mag-aral. Nagmamarathon pa ako ng Full House. Asa disc 5 na ako at three more to go i'm done. YEy!

Katulad ng dati, affected ako sa mga scenes. Ganon ako katulad ni Jessie na laging naghihintay at nag-aalala. Nakakaurgh. Makulit pa ako sobra. Kaya ko magsend ng 10 messages sa luob ng 5mins pag hindi ka pa nagrereply. I hate it talaga pagnaghihintay pero ganon ako. Ang hirap talaga kalaban ang sarili.

Nakita ko kanin yun video ng "Kulang na Kulang ba" by Joy and Kevs. Unknown beings ata sila pero i herad the song from my sisiters mp3. Maganda yun song and melody. Yung video niya carnival yung theme. Can relate ako sa song. Haha.

Wala nang magawa.

Nagchchat kami ni berna now. Ang dami naming gustong bilhin pero walang pera. Magastos mag-aral.

Showing na today yung A Lot Like Love!!! excited na akong kiligin. Sana nga umepek sakin ang movie.

Sa bahay muna ako dahil ako ay natrauma sa nangyari kahapon Lord, thank You for guiding me. Ang dami na talagang masasamang tao sa mundo. Ayoko na siya ikwento kasi gusto ko na siyang kalimutan kung hindi mapapatunganga nanaman ako at maiiyak nanaman ako sa takot.

Oo, iyakin din ako katulad ni Jessie. Nung bata ako, inaasar akong pawikan at ampon daw so mega iyak ako. Inaasar pa ako dun sa commercial na nawawala si Jennifer! horror! Pati conductor namin sa school bus inaasar ako at sinasabing iiwanan ako. Lampa pa ako. Kahit varsity ako ng volleyball nung high school eh mahal na mahal ako ng lupa at sahig with matching audience pa lagi tipong mall, mrt, at sinehan. HAy. Ako ay isang cartoon ngayon na may malaking pawis sa ulo ang drawing.

Monday, May 30, 2005

Weekend no. 5

Ang aking week that passed was puro dance practice. Sobrang stunt loser na ako.
Ang dami kong sugat at pasa. Hay. Ang mga horror na wresting stuffs ay nagbabalik.

We went to fontana nung friday with my high school buddies. Ang sad nga kasi ang konti namin pero oki lang and super thankful ako sa mga nagpunta and made the whole trip fun.

Nung friday on our way to fontana, naflatan kami ng car. MB yung car namin tapos yung may-ari ng gasoline station na napuntahan namin sobrang ayaw kami tulungan. Hindi na nag makagalaw further yun car kasi yung rim na mismo yung umiikot. Buti na lang there was this worker na willing maghelp and asked for the permission of his sungit boss. We planned to pay the worker na lang pero he said na we should pay sa counter para daw his boss wouldn't look for the money. Ang bait niya. May God bless him.

The first night was okay. Pahinga and grabe we were only 9 but we have three bedrooms so sobrang lahat may hihigaan. Kami lang ni bryan ang uminom ng tequila pero sobrang antok na ako so i slept na mga 1am. Wala pang signal sa sun so sobrang hirap ng social celphone life ko.

Wala kaming knife, plato at panglutong appropriate sa mga lulutuin namin. We only had the peeler to act as a knife. Puro pasta, processed food at junk foods kami pero dinala na lang namin sa kakatawa.

Iniwan yung MB samin after pinarepair sa nearby vulcanazing shop. We were supposed to use it kasi we were so far from the club house and water park. Puro girls kami and yung one guy samin si Bry knew how to drive automatic lang. So mia, tried driving it.Ang galing niya kasi smaller frame siya sakin but she was able to maneuver the big car. Tapos, while were were test driving slowly, there was this guy na tinuturo yung car namin. So bumaba ako. FLAT nanaman yung gulong namin but this time it was the other part. Nagpanic kami at nagmadaling umuwi pero ang bagal ng andar namin kasi yun rim nanaman yung umiikot.

When we reached the house, hindi naman namin mailock yung driver's door. Hay. puro sira.
Umulan pa at nabasa ang bihis na bihis na si berna at catcheung. Nagbrown-out pa. So nung gabi, nag-inuman na lang ulet kami. The next day late na kami nagising at nagsimula ng magluto ulet at magimpake.

Puro luto at kain kami kasi ang tagal ng process sa pagluluto dahil sa kakulangan sa gamit. So, by the time na matapos kami, kain na tapos hugas. After hugas, kelangan magprepare na ulet maya maya sa pagluto para makakain ng on time naman.

Pero masaya ang mga bonding kwentuhan at treminiscing the high school days. Yebah. Kahit hindi ako nakaswim dahil sa dami ng aking horror malaking pasa, okay naman ang pagtawa at halakhakan.

Thursday, May 26, 2005

Hay..

Ang lungkot ko.. I'm always going out to try not to be sad pero when your alone, it's just there. I don't want to get into details pero basta. I hope God will heal me soon. I can be this happy little girl outside but I guess it's not true most of the time.

Kanina God comforted me. I miss sid. Magpapasukan nanaman and I guess the communication will be gone again. I hope not. But it's not as simple as saying it and having a cel which i will soon not have. I just borrowed it kasi and I'll soon will have to return it. I can't buy one pa because my brother's tuition fee is so high. life.

Anyways, trust God. I can't handle how things will be going, but I know He can.

Today we polished the pink panther dance. We learned this hang sideways stunt na grabe ang laki ng pasa ko sa left shoulders from falling consistently. I was only able to do it once nung patapos na ang time alloted from learning it. Yung knees ko red literally now and I think by next week green na siya kasi pasa siya na red. Yung elbows ko may sugat, both, from rubbing them agaist the mat when i fall. Pero, must learn and be determined to do so.

Kanina, natuwa nanaman ako sa block ko. Grabe guys thank you. Ilang beses na tayo ngvivideoke talaga. Feeling ko nga kung may barakada videoke contests pwede na tayo maging contestants. Nakakatuwa yung kwentuhan natin sa Shangrila plaza kanina! wahaha! ang yuck pero nakakatawa alalahanin ng embarrassing moments. Ang dami ko ata non!

Nung nasa Shang kami, we ate sa foodcourt para mura. Hello?! ang mahal don. I've been craving for crispy noodles again so I went to Chowking and bought one. Tapos ang weird ng mga ngyari next. Yung guy sa cashier, he got what I ordered then he went out of the counter dala yung order ko. Sabi ko ako na ang magdadala dahil our sit was on the other side. Nasa northwest yung Greenwich area we're we decided to sit samantalang nasa southeast naman yung Chowking. So ako parang hindi na po. Ako na lang magdadala kasi isang plate lang order ko wala pa ngang drinks para hindi ako madapa at mahirapan. (Ang prone ko kasi sa mga ganyang dapa) He insisted kaya para kaming huh. Biro mo I was walking with him tapos dala niya yung food ko hanggang we reached the Greenwich area. As in sabi ko ako na lang po talaga magdadala kasi sobrang malayo pero ayaw niya. Ang weird ng feeling na may nagbuhat ng food ko sa foodcourt. Nagpathank you na lang ako at umupo agad. Napahuh na lang sila Berna. Oh well.

Nagbago na ako ng route kasi may isang creepy guy na parati akong inaabanagn. Nakakatakot. Good thing God is always protecting him. Now I'm taking the expensive route pero oki na rin.

The world talaga is so hay. As in yung mind ko ang daming naiisip lagi. Naalala ko nung nasa Batangas ako habang asa swimming area ata kami napaisip ako kung paano kaya ang buhay ng langaw. Oh well. I'm going to Fontana to until Sunday. That would be my weekend no. 5. Sayang nga kasi ang konti namin. Disappointing kasi it's for our friend tapos konti lang pupunta pero make the most out of it na lang.

Malapit na ang Reg at mukhang pahirapan nanaman sa pila. Hay. Kailan kaya darating yung time na hindi na pamatay ang pilahan sa UP. Parati na lang akong 3days nageenroll at bunutan pa ang klase ko. Para akong naglolotto praying my name would be picked para may subject na ako. Last sem nga naiiyak na ako so nung 3rd day sinamahan na ako ni Jhena mag-enroll para hindi ako mawalan ng hope. Hay, thank God dahil nakakuha naman ako ng klase kahit papaano.

Ang ganda ng Psalm 30. God is alive and working. Fontana here I come again! kakagaling ku lang kasi doon last month with my blockmates at siyempre ang saya! wala akong masabi. Though we just stayed at home kasi overnight lang kami eh ang saya talaga. Never a dull moment with D3. nahuli pa yung isang car namin kasi they were going 200 going sa expressway.Kami 180 buti hindi kami nahuli. Yun isa naman 160. Dapat kasi 100 lang ata. Oh well. Safe naman ang lahat! :)